Post by Mfam0627
Salamat sa iyong pagtatagalog at pagiging magalang mo.

Unang una wala akong pakialam sa mga points niyo. Kung meron mang ilang umaabuso dun sa mga points na yan eh di huliin niyo. Kung nagmumura man ako ay hindi ko to isinasapubliko at di ko pinopost sa public. Sa inyo ko lang inaaddress para ayusin niyo at maramdaman niyo ang hinaing ko.

Pangalawa, galing ako sa IT at social media companies din ako nagtratrabaho dati kaya wag niyo akong lokohin, di nga namin kayo binabayaran pero nanggagaling sa min ang data na inauupdate niyo. Kung wala ang community alam niyo ba kung saan ang traffic at hindi??? May isang milyong tao ba kayo para imonitor yun? Pinapakinabangan at ginagamit niyo ang mga report at personal data namin FOR FREE! Tandaan niyo yan at yung ginagamit niyong pang-target sa mga ADS niyo na ginagamit PAMBAYAD SA INYO. Hindi ako tanga! Tumutulong ka na nga sa pagrereport sa public, eto pa ang igaganti sa yo. LEGIT akong tumutulong di ako tulad ng mga sinasabi niyong manloloko dyan kahit ibigay ko pa ang passport and lisensya wala akong tinatago.

Pangatlo, at kung sa hindi pagbabasa ng TOS/TOU ay inaamin kong hindi at tanungin mo ang isang milyong gumagamit ng app niyo maniniwala kayo na may SAMPUNG tao ang nagbabasa sa haba nun??? Oo alam ko ring bawal naman yan kahit di ko basahin yan, marunong naman ako ng common sense pero kapag galit ka na ba nakakaisip ka pa ba ng maayos kung pamilya mo na ang kadamay???? Sana lang din intindihin niyo rin kami dahil marunong din akong magkumbaba kung nagkumbaba rin kayo kesa ibida niyo ang TOS/TOU niyo.


kazmuth wrote:May dalawang klase ng pagka-block on ban sa Waze, yung isa pag yung system yung nakahuli sayo at yung pangalawa yung community ang nagpa-block.

Yung sa una, mangyayari lang ito pag sobrang excessive na nung reports na ginagawa mo. Ang tawag dun report abuse, ginagawa ito ng ilang mga Wazer para magpataas ng points. Ayaw ng lahat ng mga ganitong abuser kaya hindi namin tinutulungan kahit na kaya namin.

Ang pangalawa, sa pagiikot namin sa mapa para ayusin at i-update ang mga mali sa mapa, nakakakita kami ng mga nagmumura at nagpapadala ng mga di magandang imahe. Itong mga ganito, yung community ang nagpapa-block o ban sa mga ganitong Wazer.

Yung reklamo mo na Sept 29 ka pa nakakuha ng notification o email, hinanap ko kung meron kaming pina-block o ban sa araw na yun. Siyam na pangalan lang ang nasa listahan, dalawa ang galing sa pinas, at wala yung pangalan mo dun. Ibig sabihin, baka system ang nakahuli at nagpa-block sayo.

Pangalawa, mukhang di ka nagbasa ng TOS/TOU at malinaw dun na bawal magmura at nakalagay din na 'as-is' ang pag-gamit. Kumbaga eh gamitan mo ng kahit konting common sense at pag sinabi na dumerecho ka sa bangin eh wag mo naman sundin.

Hindi mo kami binabayaran, libre ang pag-gamit ng app na ito. Sa kasabihan nga sa atin eh di mo ako pinapakain kaya wag mo ako murahin.
Mfam0627
Posts: 9
Send a message

Post by Mfam0627
Owwwss talaga? Volunteer? Waze Philippines Country Manager/ Global Champ /Coordinator???? Libre na pala ang pagiging country manager, swerte ng Waze. Talaga ako pang mukhang tanga ngayon? Sorry ha thought you're the right "staff" to address this kasi kaya mong magpull out ng data mula sa min eh. Kung ganon sinayang mo lang oras ko sa pakikipagusap sa yo hindi ka pala staff. Salamat sa volunteered time mo ha.
kazmuth wrote:problema mo na yun kung di ka nagbasa ng TOS/TOU. community of volunteers kami dito, walang binabayad ang Waze sa pag ayos namin ng mapa. magbasa ka muna dito sa forum at magtanong ka sa ibang bansa kung binabayaran sila ng Waze. staff lang ang binabayaran at pinapasweldo ng Waze, kami sa community ay hindi. basa-basa muna para di ka magmukhang tanga dito
Mfam0627
Posts: 9
Send a message

Post by Mfam0627
Wala na po akong sasabihin. Amen. I rest my case. Salamat po.
Mfam0627
Posts: 9
Send a message

Post by Mfam0627
For your improvement lang po, Mr./Ms. Volunteer Country Manager, sana before kayo magblock ng user next time, pakispecify at pakiyabang niyo kaagad lang po ang TOS/TOU niyo at pakisend ang screenshot as a proof during your automated email ha para di kami nagmumukhang tanga in exchanging so many emails ni paid Waze Support Team kung bakit kami nablablock. Huwag sana yung VAGUE lang na EXCESSIVE and QUESTIONABLE EDITING ACTIVITY (see my screenshots) dahil hindi ako nag-edit NAGREPORT po ako. Kasi kahit si paid Waze Support Team, clueless at hindi rin alam ang reason. Kung inispecify niyo kaagad, hindi niyo ako makikita dito sa forum. Thank you, Mr./Ms. Volunteer. Keep up the good work.

Screenshots:
https://ibb.co/hNAN7m
https://ibb.co/ndQN7m
https://ibb.co/gmHftR
Mfam0627
Posts: 9
Send a message

Post by Mfam0627
As i've said I rest my case. It's only a suggestion for your improvement, you can take it or leave it. Who cares kung nakablock na ko forever sa system. At least I wont be bother to report anything anymore, less data and time to consume. I just wanted to find an answer only. Salamat sa maayos na papakipagusap.
Mfam0627
Posts: 9
Send a message