Kamusta po kayo? Ako po pala si Gemrald. 2nd account ko na sa Waze ang gamit ko simula lang noong nakaraang buwan. Aktibo po akong gumagamit ng Waze mula pa noong 2014 gamit ang first account ko na hindi ko na mabuksan dahil nalimutan ko ang password at wala siyang email. (Na-logout kasi ako sa Waze due to an issue of "app searching for network". Nangyari din sa ibang wazers ang nasabing issue.) Sayang royal Wazer pa naman na yun.
Anyway, masaya lang po ako at nagkaroon na ako ng pagkakataon na makapagsimula bilang map editor sa pagnanais na ako'y makatulong sa lahat ng issue sa map dahil gusto kong maging reliable at accurate ang mapa sa akin at sa lahat ng gagamit. I oftentimes send reports to the Waze app map issue option since I've been noticing missing turns and outdated entries and exits times at the complexes. Sa ngayon po, wala pa akong ma-edit dahil sa level status ko which I think I'd be able to beget as I spend time with Waze community, and of course, through editing.
I'm looking forward for a wonderful journey with the veteran editors and newbie editors like myself.
Re: Kumustahan